Barangay Central Signal Village
Comission on Audit (COA) SASDC (Statement of Audit Suspensions, Disallowances, and Charges) Result
Back to news

Comission on Audit (COA) SASDC (Statement of Audit Suspensions, Disallowances, and Charges) Result

Published May 11, 2026

๐Œ๐€๐€๐˜๐Ž๐’, ๐“๐€๐๐€๐“ ๐€๐“ ๐“๐‘๐€๐๐’๐๐€๐‘๐„๐๐“

COA SASDC Result: โ‚ฑ0.00 Findings para sa Barangay Central Signal Village

Masaya kong ibinabalita sa inyo, kasama ang buong hanay ng ating Sangguniang Barangay, na ang Barangay Central Signal Village ay nakatanggap ng โ‚ฑ0.00 sa lahat ng Disallowances, Suspensions, at Charges mula sa Commission on Audit (COA).

Ibig sabihin nito ay wasto, tapat, at transparent ang paggamit ng ating pondo, isang patunay ng maayos na pamamahala at mabuting serbisyo sa ating mga kabarangay.

๐€๐ง๐จ ๐š๐ง๐  ๐’๐€๐’๐ƒ๐‚?

Ang SASDC (Statement of Audit Suspensions, Disallowances, and Charges) ay isang opisyal na dokumento mula sa COA na naglalaman ng buod ng mga obserbasyon sa paggamit ng pondo ng isang ahensya o lokal na pamahalaan (kasama ang Barangay). Layunin nitong tiyakin na tama at maayos ang paggamit ng pera ng bayan sa pamamagitan ng pagsubaybay sa mga sumusunod:

1. Suspensions โ€“ may kulang sa dokumento o proseso na kailangang ayusin bago maaprubahan.

2. Disallowances โ€“ ginastos na hindi alinsunod sa batas o regulasyon at maaaring ipasoli.

3. Charges โ€“ kakulangan o pagkakamali sa kita o resibo na dapat maitama o masingil.

Kapag โ‚ฑ0.00 ang lahat ng ito, ibig sabihin ay walang isyung nakita sa audit at maayos ang pamamahala ng pondo.

๐‹๐š๐ฒ๐ฎ๐ง๐ข๐ง ๐ง๐  ๐’๐€๐’๐ƒ๐‚

1. Palakasin ang tiwala ng publiko sa pamahalaan

2. Magkaroon ng malinaw na rekord ng paggamit ng pondo

3. Isulong ang Accountability, Transparency, at Good Governance

๐€๐ฎ๐๐ข๐ญ ๐‘๐ž๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ ๐’๐ฎ๐ฆ๐ฆ๐š๐ซ๐ฒ:

Total Audit Suspensions: โ‚ฑ0.00

Total Disallowances: โ‚ฑ0.00

Total Charges: โ‚ฑ0.00

Ang magandang resulta mula sa Commission on Audit (COA) ay patunay ng mahusay na pamamahala at tapat na paggamit ng pondo ng ating Barangay.

Nawaโ€™y magsilbi itong inspirasyon sa ating mga kabataan, kabarangay, at mga lider upang ipagpatuloy ang tapat at makataong serbisyo kung saan ang โ€œTaong Bayan ang Dapat Magbenepisyo.โ€

Gallery

Comission on Audit (COA) SASDC (Statement of Audit Suspensions, Disallowances, and Charges) Result - 1