
𝐒𝐄𝐀𝐋 𝐎𝐅 𝐆𝐎𝐎𝐃 𝐋𝐎𝐂𝐀𝐋 𝐆𝐎𝐕𝐄𝐑𝐍𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐅𝐎𝐑 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 (𝐒𝐆𝐋𝐆𝐁)
Published May 11, 2026
𝐒𝐄𝐀𝐋 𝐎𝐅 𝐆𝐎𝐎𝐃 𝐋𝐎𝐂𝐀𝐋 𝐆𝐎𝐕𝐄𝐑𝐍𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐅𝐎𝐑 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 (𝐒𝐆𝐋𝐆𝐁)
Malaking karangalan para sa Barangay Central Signal Village ang pagkilalang ito mula sa DILG bilang isa sa mga barangay na tumanggap ng Seal of Good Local Governance (SGLGB) noong September 10, 2025 sa World Trade Center, Pasay City.
Ito ay pagkilala sa ating pagsisikap para sa maayos na pamamahala, tapat na serbisyo, at malasakit sa bawat mamamayan. Mula sa kapayapaan at kaayusan, maayos na paggamit ng pondo, kahandaan sa kalamidad, proteksyon sa mga nangangailangan, pangangalaga sa kalikasan, hanggang sa pag-unlad ng kabuhayan at edukasyon. Lahat ng ito ay nakapasa tayo sa ginawang assessment ng DILG Local at National.
Mula sa 41,610 barangays sa buong bansa, 3,283 lang ang tumanggap ng parangal at isa tayo sa mga piling barangay na ito.
Salamat sa pagtutulungan ng ating mga opisyal, empleyado, volunteers, at higit sa lahat, sa ating mga kabarangay.
Patuloy nating gawing ligtas, maayos, at progresibo ang ating Barangay Central Signal Village.
Taong Bayan ang Dapat Mag Benepisyo!
Gallery

