Barangay Central Signal Village
𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐀𝐍𝐓𝐈-𝐃𝐑𝐔𝐆 𝐀𝐁𝐔𝐒𝐄 𝐂𝐎𝐔𝐍𝐂𝐈𝐋 (𝐁𝐀𝐃𝐀𝐂) 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝐈𝐌𝐏𝐋𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐑𝐄𝐕𝐈𝐄𝐖 𝟐𝟎𝟐𝟔.
Back to awards

𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐀𝐍𝐓𝐈-𝐃𝐑𝐔𝐆 𝐀𝐁𝐔𝐒𝐄 𝐂𝐎𝐔𝐍𝐂𝐈𝐋 (𝐁𝐀𝐃𝐀𝐂) 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝐈𝐌𝐏𝐋𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐑𝐄𝐕𝐈𝐄𝐖 𝟐𝟎𝟐𝟔.

Barangay Central Signal Village — Muling nakiisa sa panawagan para sa isang Drug-Free Barangay, kasama ang halos 38 Barangays sa ating Lungsod ng Taguig.

Published October 10, 2026

𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐀𝐍𝐓𝐈-𝐃𝐑𝐔𝐆 𝐀𝐁𝐔𝐒𝐄 𝐂𝐎𝐔𝐍𝐂𝐈𝐋 (𝐁𝐀𝐃𝐀𝐂) 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝐈𝐌𝐏𝐋𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐑𝐄𝐕𝐈𝐄𝐖.

Barangay Central Signal Village — Muling nakiisa sa panawagan para sa isang Drug-Free Barangay, kasama ang halos 38 Barangays sa ating Lungsod ng Taguig.

Sa pangunguna ng ating Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) Chairman Henry A. Duenas III, Present ang ating Barangay Secretary Francisco O. Paulo III, Committee on Peace and Order and Anti-Illegal Drugs Kagawad Manuel Binag Jr. at Barangay Safety and Public Order Department (BSPOD) Chief Ronela Laraya.

Three-day BADAC Program Implementation Review for C.Y. 2025 na inorganisa ng ating City Government of Taguig at Taguig Anti-Drug Abuse Office (TADAO) na ginanap nitong Oktubre 7–9, 2026, ang aktibidad na ito ay naging isang mahalagang plataporma upang mas paigtingin ang pagkakaisa ng bawat Barangay, magbahagi ng kaalaman at matuto ng mga bagong estratehiya, magbahagi ng ating sariling mga karanasan at mga programang magpapatatag sa ating kampanya laban sa ilegal na droga.

Mula sa mensahe ng ating Punong Lungsod Mayor Lani Cayetano “𝘔𝘢𝘣𝘪𝘨𝘢𝘵 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘩𝘢𝘮𝘰𝘯 𝘱𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘮𝘱𝘢𝘯𝘺𝘢 𝘬𝘰𝘯𝘵𝘳𝘢 𝘪𝘭𝘦𝘨𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘥𝘳𝘰𝘨𝘢. 𝘉𝘶𝘬𝘰𝘥 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘶𝘭𝘪𝘴𝘢𝘯, 𝘭𝘶𝘣𝘩𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘱𝘦𝘭 𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘣𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘰, 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨-𝘶𝘴𝘢𝘱𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘩𝘢𝘬𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘬𝘢𝘮𝘢𝘣𝘪𝘴𝘢 𝘢𝘵 𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘢𝘴𝘱𝘦𝘵𝘰 𝘱𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘨𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝘴𝘶𝘱𝘰𝘳𝘵𝘢”.

Bunga ng dedikasyon, nakakuha ang ating barangay ng mga sumusunod:
• 𝐂𝐞𝐫𝐭𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐞 𝐨𝐟 𝐀𝐩𝐩𝐫𝐞𝐜𝐢𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 – para sa ating mahalagang kontribusyon at suporta sa tagumpay ng BADAC programs.
• 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐞𝐬𝐭 𝐢𝐧 𝐒𝐭𝐨𝐫𝐲 𝐓𝐞𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐰𝐚𝐫𝐝 – para sa epektibong pagbabahagi ng mga kuwento ng tagumpay, hamon, at inspirasyon ng ating barangay.
• 𝐅𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐏𝐥𝐚𝐜𝐞 𝐢𝐧 𝐁𝐞𝐬𝐭 𝐏𝐞𝐫𝐟𝐨𝐫𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐆𝐚𝐥𝐥𝐞𝐫𝐲 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐞𝐧𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 – para sa komprehensibo at malikhaing pagpapakita ng ating mga programa.

Sa kagustuhan nating mapanatili ang pagiging Drug-Cleared Barangay, patuloy po nating pinalalakas ang ugnayan sa mga enforcement agencies at maging sa ating City Government of Taguig upang masigurado ang kapayapaan, kaligtasan, at kaayusan sa ating nasasakupan.

Ang Barangay Central Signal Village laging handang matuto at maglingkod para sa isang barangay na ligtas sa droga!

God Bless Barangay Central Signal Village.
“𝐓𝐚𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐠 𝐛𝐞𝐧𝐞𝐩𝐢𝐬𝐲𝐨

Gallery

𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐀𝐍𝐓𝐈-𝐃𝐑𝐔𝐆 𝐀𝐁𝐔𝐒𝐄 𝐂𝐎𝐔𝐍𝐂𝐈𝐋 (𝐁𝐀𝐃𝐀𝐂) 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝐈𝐌𝐏𝐋𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐑𝐄𝐕𝐈𝐄𝐖 𝟐𝟎𝟐𝟔. - 1