
𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐧 𝐀𝐮𝐝𝐢𝐭 (𝐂𝐎𝐀) 𝐒𝐀𝐒𝐃𝐂 (𝐒𝐭𝐚𝐭𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐀𝐮𝐝𝐢𝐭 𝐒𝐮𝐬𝐩𝐞𝐧𝐬𝐢𝐨𝐧𝐬, 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐥𝐥𝐨𝐰𝐚𝐧𝐜𝐞𝐬, 𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐡𝐚𝐫𝐠𝐞𝐬)
Commission on Audit (COA) Statement of Audit Suspensions, Disallowances and Charges (SASDC) Result: ₱0.00 Findings
Published October 12, 2026
𝟑𝐑𝐃 𝐐𝐔𝐀𝐑𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐀𝐒𝐃𝐂 | 𝐌𝐀𝐀𝐘𝐎𝐒 𝐀𝐓 𝐌𝐀𝐋𝐈𝐍𝐈𝐒 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐆𝐀𝐌𝐈𝐓 𝐍𝐆 𝐏𝐎𝐍𝐃𝐎, 𝐊𝐀𝐘𝐀 𝐙𝐄𝐑𝐎 𝐂𝐎𝐀 𝐅𝐈𝐍𝐃𝐈𝐍𝐆𝐒 𝐌𝐔𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐊𝐔𝐇𝐀 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐑𝐀𝐋 𝐒𝐈𝐆𝐍𝐀𝐋 𝐕𝐈𝐋𝐋𝐀𝐆𝐄.
Kabarangay! Nais naming ibahagi ang ating Commission on Audit (COA) Statement of Audit Suspensions, Disallowances and Charges (SASDC) Result: ₱0.00 Findings para sa Barangay Central Signal Village. Tatlong beses na magkakasunod nating nakuha.
𝐀𝐮𝐝𝐢𝐭 𝐒𝐮𝐬𝐩𝐞𝐧𝐬𝐢𝐨𝐧𝐬/𝐃𝐢𝐬𝐚𝐥𝐥𝐨𝐰𝐚𝐧𝐜𝐞𝐬/𝐂𝐡𝐚𝐫𝐠𝐞𝐬
• 𝟏𝐬𝐭 𝐐𝐮𝐚𝐫𝐭𝐞𝐫 (𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝟐𝟎𝟐𝟔): 𝐒𝐀𝐒𝐃𝐂 𝐑𝐞𝐬𝐮𝐥𝐭: ₱𝟎.𝟎𝟎 𝐅𝐢𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠𝐬
• 𝟐𝐧𝐝 𝐐𝐮𝐚𝐫𝐭𝐞𝐫 (𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟐𝟎𝟐𝟔): 𝐒𝐀𝐒𝐃𝐂 𝐑𝐞𝐬𝐮𝐥𝐭: ₱𝟎.𝟎𝟎 𝐅𝐢𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠𝐬
• 𝟑𝐫𝐝 𝐐𝐮𝐚𝐫𝐭𝐞𝐫 (𝐒𝐞𝐩𝐭𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟎𝟐𝟔): 𝐒𝐀𝐒𝐃𝐂 𝐑𝐞𝐬𝐮𝐥𝐭: ₱𝟎.𝟎𝟎 𝐅𝐢𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠𝐬
𝐀𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐡𝐮𝐥𝐮𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐙𝐞𝐫𝐨 𝐂𝐎𝐀 𝐅𝐢𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠𝐬 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐫𝐚𝐥 𝐒𝐢𝐠𝐧𝐚𝐥 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚𝐠𝐞?
Nangangahulugan itong nanatiling wasto, tapat, at transparent ang paggamit ng ating pondo sa bawat yugto ng pamamahala. Ito ay isang solidong patunay ng maayos na administrasyon at mataas na kalidad ng serbisyong pampubliko na inilalaan natin para sa ating mga kabarangay. Ang ganitong positibong resulta ay higit pang nagpapalakas sa tiwala ng publiko sa ating pamahalaang barangay, nagpapanatili ng isang malinaw at walang-mantsang rekord, at hayagang nagpapakita ng tunay na accountability, transparency, at good governance.
Naniniwala po kami na ang ganitong uri ng pamamahala ang nararapat para sa Central Signal Village. walang bawas, walang anomalya, at diretso sa serbisyo. Ang inyong mga buwis at ang pondo ng barangay ay ligtas at buong-buong nararamdaman sa pamamagitan ng mga kapaki-pakinabang na programa at makabuluhang proyekto kung saan ang taong bayan ang dapat mag benepisyo.
Alay namin ang pagkilalang ito sa lahat ng ating kabarangay, bilang sukli sa inyong walang sawang suporta, pakikipagtulungan, at pagtitiwala sa ating pamunuan. Makakaasa po kayo na hindi natin bibiguin ang inyong tiwala at patuloy tayong magsisilbi nang may integridad, sipag, at katapatan!
God Bless Barangay Central Signal Village!
“𝐓𝐚𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐠 𝐛𝐞𝐧𝐞𝐩𝐢𝐬𝐲𝐨
Gallery

