
𝐅𝐈𝐑𝐄 𝐄𝐗𝐓𝐈𝐍𝐆𝐔𝐈𝐒𝐇𝐄𝐑 𝐌𝐀𝐒 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐑𝐀𝐌𝐈 𝐏𝐀!
𝐇𝐢𝐠𝐢𝐭 𝟐𝟎𝟎 𝐧𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐅𝐢𝐫𝐞 𝐄𝐱𝐭𝐢𝐧𝐠𝐮𝐢𝐬𝐡𝐞𝐫𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐚-𝐤𝐚𝐛𝐢𝐭 𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐢𝐛𝐚𝐭 𝐢𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐨𝐤𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐫𝐚𝐥 𝐒𝐢𝐠𝐧𝐚𝐥 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚𝐠𝐞, partikular na sa mga lokasyon na madalas ang ulat ng sunog o mga Fire Prone Areas ng ating Barangay.
Published October 1, 2026
𝐅𝐈𝐑𝐄 𝐄𝐗𝐓𝐈𝐍𝐆𝐔𝐈𝐒𝐇𝐄𝐑 𝐌𝐀𝐒 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐑𝐀𝐌𝐈 𝐏𝐀!
𝐇𝐢𝐠𝐢𝐭 𝟐𝟎𝟎 𝐧𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐅𝐢𝐫𝐞 𝐄𝐱𝐭𝐢𝐧𝐠𝐮𝐢𝐬𝐡𝐞𝐫𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐚-𝐤𝐚𝐛𝐢𝐭 𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐢𝐛𝐚𝐭 𝐢𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐨𝐤𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐫𝐚𝐥 𝐒𝐢𝐠𝐧𝐚𝐥 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚𝐠𝐞, partikular na sa mga lokasyon na madalas ang ulat ng sunog o mga Fire Prone Areas ng ating Barangay.
Mula 2023 at hanggang ngayong 2026, Taon-taon sinisikap natin na makapag dagdag at siguradong masuri ang lahat ng existing na Fire Extinguishers upang tiyak na gagana ito sakaling magkaroon ng di inaasahang sunog.
Mula sa ating pag-uusisa sa nasyonal na datos ng Bureau of Fire Protection (BFP), ang opisyal na bilang ng sunog sa buong bansa ay umaabot sa mahigit 16,000 hanggang 18,000 kada taon. Ang tatlong nangungunang sanhi nito ay problema sa kuryente at linya ng kuryente, mga napabayaang upos ng sigarilyo at bukas na apoy mula sa pagluluto.
Hindi basta-basta ang pinsalang dulot ng sunog. Kaya naman, kasama ang buong Sangguniang Barangay, sinisiguro nating may mga nakaabang na bagong Fire Extinguisher sa bawat kalye. Bukod dito, laging handa at naka-antabay ang ating Barangay Fire Truck, bukas ang ating accessible Barangay Hotline para sa mabilisang responde, at mas pinalakas na ugnayan sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Palagian naman nating paalala sa ating mga kabarangay na magtabi ng ating Barangay Hotline upang agad na makatawag at dagli maka responde ang ating mga Barangay Security Force.
Para sa konting gabay, narito ang paraan kung paano gamitin ang ating Fire Extinguishers
Link: https://www.facebook.com/share/p/19a9B8Dakf/
𝐍𝐚𝐫𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧 𝐡𝐚𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐛𝐢𝐭 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐅𝐢𝐫𝐞 𝐄𝐱𝐭𝐢𝐧𝐠𝐮𝐢𝐬𝐡𝐞𝐫𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐓𝐞𝐚𝐦 𝐧𝐚 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐧𝐠𝐮𝐧𝐠𝐮𝐧𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐎𝐈𝐂 𝐌𝐫𝐬 𝐃𝐚𝐧𝐠 𝐍𝐚𝐥𝐮𝐧𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐭𝐮𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐢𝐧𝐚 𝐌𝐚𝐲 𝐋𝐢𝐛𝐨-𝐨𝐧, 𝐋𝐨𝐫𝐲 𝐌𝐚𝐧𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭, 𝐄𝐦𝐢𝐥𝐲 𝐆𝐫𝐞𝐠𝐨𝐫𝐢𝐨, 𝐑𝐨𝐬𝐞𝐧𝐢 𝐌𝐞𝐝𝐢𝐧𝐚, 𝐑𝐨𝐛𝐞𝐫𝐭𝐨 𝐏𝐚𝐚𝐬 𝐉𝐫, 𝐄𝐩𝐢𝐟𝐚𝐧𝐢𝐨 𝐂𝐚𝐬𝐭𝐢𝐥𝐥𝐨, 𝐃𝐨𝐦𝐢𝐧𝐢𝐜 𝐋𝐢𝐫𝐚 𝐚𝐭 𝐀𝐜𝐞 𝐃𝐞𝐥𝐠𝐚𝐝𝐨.
God Bless Barangay Central Signal Village.
“𝐓𝐚𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐠 𝐛𝐞𝐧𝐞𝐩𝐢𝐬𝐲𝐨"
Gallery






