
₱𝟓,𝟎𝟎𝟎 𝐄𝐃𝐔𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐂𝐀𝐒𝐇 𝐀𝐒𝐒𝐈𝐒𝐓𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌, 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐎𝐆 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐑𝐀𝐋 𝐒𝐈𝐆𝐍𝐀𝐋 𝐕𝐈𝐋𝐋𝐀𝐆𝐄.
₱𝟓,𝟎𝟎𝟎 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐂𝐚𝐬𝐡 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝟏𝟎𝟎 𝐐𝐮𝐚𝐥𝐢𝐟𝐢𝐞𝐝 𝐒𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐒𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭𝐬, matagumpay nating naipamahagi.
Published September 20, 2026
𝟏𝟎𝟎 𝐒𝐄𝐍𝐈𝐎𝐑 𝐇𝐈𝐆𝐇 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋 𝐒𝐓𝐔𝐃𝐄𝐍𝐓𝐒 𝐓𝐔𝐌𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐆 ₱𝟓,𝟎𝟎𝟎 𝐄𝐃𝐔𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐂𝐀𝐒𝐇 𝐀𝐒𝐒𝐈𝐒𝐓𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌, 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐎𝐆 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐑𝐀𝐋 𝐒𝐈𝐆𝐍𝐀𝐋 𝐕𝐈𝐋𝐋𝐀𝐆𝐄.
𝐄𝐝𝐮𝐤𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧!
Sa kauna-unahang pagkakataon, kasama ang buong hanay Sangguniang Barangay, matagumpay nating naipamahagi ang ₱𝟓,𝟎𝟎𝟎 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐂𝐚𝐬𝐡 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝟏𝟎𝟎 𝐐𝐮𝐚𝐥𝐢𝐟𝐢𝐞𝐝 𝐒𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐒𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭𝐬 sakop ng ating Barangay Central Signal Village.
Ang programang ito ay patunay na ang edukasyon ng kabataan ay isa sa ating mga prayoridad. Upang matiyak ang integridad ng programa, ang lahat ng 278 Senior High School students na siyang ating mga aplikante ay dumaan sa masusing screening, personal verification, at validation process. Ito ay upang masigurong tumpak ang lahat ng impormasyon at karapat-dapat ang bawat benepisyaryo. Malaking bahagi ng ating pagpili ang kanilang GWA (General Weighted Average), Household Income, at Family Vulnerability.
Layunin ng munting programang pang edukasyon na masigurong walang kabataan ang maiiwan sa kanilang pag-aaral dahil sa kakulangan sa gastusin partikular na ang ating mga Senior high School Students, ang pamunuan ng barangay central signal village ay lubos na nagpapasalamat sa kooperasyon ng lahat upang maging matagumpay ang makasaysayang programang ito.
Ang tulong-pinansyal na ito ay simula pa lamang ng mas marami pang programa para sa ating mga kabataan at sa edukasyon. sa aking mga LODI! Gamitin ninyo ito nang wasto para sa inyong mga school supplies, projects, at iba pang pangangailangan sa eskwela, upang gumaan din ang damdamin ng ating mga magulang dahil hindi biro ang pagtaas ng inflation na sumasabay pa sa ating edukasyon.
Patuloy nating itaguyod ang mataas na kalidad ng edukasyon! Kasama ang Sangguninang Barangay, lagi tayong naka suporta at lagi nating kinikilala ang inyong kasipagan sa pag-aaral! Kayo ang maging tapagdaloy at tumayong mga inspirasyon hindi lang sa ating mga kapwa SHS kundi sa lahat ng kabataan.
God Bless Barangay Central Signal Village.
“𝐓𝐚𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐠 𝐛𝐞𝐧𝐞𝐩𝐢𝐬𝐲𝐨"
Gallery






