
𝐊𝐀𝐏𝐈𝐓 𝐁𝐀𝐇𝐀𝐘 𝐀𝐑𝐀𝐋𝐀𝐍 | 𝐓𝐀𝐁𝐋𝐄𝐒 𝐀𝐍𝐃 𝐂𝐇𝐀𝐈𝐑𝐒 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐁𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍
Saksi sa programang pang Edukasyon ang mahigit 250 nating kabarangay sa katatapos lang na Tables and Chairs Distribution na ginanap sa ating Cong. Jun Dueñas Gymnasium.
Published August 30, 2023
𝐊𝐀𝐏𝐈𝐓 𝐁𝐀𝐇𝐀𝐘 𝐀𝐑𝐀𝐋𝐀𝐍 | 𝐓𝐀𝐁𝐋𝐄𝐒 𝐀𝐍𝐃 𝐂𝐇𝐀𝐈𝐑𝐒 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐁𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍
Araw ng Biyernes, Kasama natin at saksi sa programang pang Edukasyon ang mahigit dalawang daan at limampu (250) nating kabarangay sa katatapos lang na Tables and Chairs Distribution na ginanap sa ating Cong. Jun Dueñas Handog sa Distrito Gymnasium.
Malaking kapakinabangan ito sa mga students ng ating Kapit Bahay Aralan, mas maayos at mas gaganahan silang mag aral, sa taong ito nabahagian natin ang halos 122 na batang babae at 128 na batang lalake. Kung ating sasariwain taong 2021 nasa gitna tayo ng pandemya ngunit sinikap natin na maabot ang ating mga batang mag aaral bukod sa modules at mga libro nakapag abot tayo ng tables and chairs sa mahigit limang daang (500) magaaral.
Nagbahagi naman ng mensahe ang ating mga kasama sa serbisyo, Kagawad Rodelio Raga, Kagawad Arthur Tan, Kagawad Manuel Binag Jr, SK Chairman Paul Llanto, LGBTQIA+ Pres. Prince Casan at Central Signal Youth Leaders Meg Lining.
Sa ating panunungkulan, kasama ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan sisiguraduhin natin na tuloy tuloy ang ating programa at kampanya sa Edukasyon.
God Bless Barangay Central Signal Village!
Gallery





